|
Isang sigaw ang bumasag sa mapayapang umaga. Aaaah! Saaabooon! Oo. Ako yun. At oo. Katapusan na ng mundo. Natuklasan kong ubos na pala ang supply ng sabon galing sa aming sponsor. Ang sponsor ay ang pinsan naming nagtatrabaho sa isang sikat na kumpanya ng sabon na itago na lang natin sa pangalang Kulugo-Pabilib. Natigil na ang buhos ng relief goods galing kay not-so-close na insan. Paano na ang hygiene ko? Delubyo ito. Kaya bareta na lang ang ginamit kong panligo. Only Tide Eraser Bar touches my skin. Nabura nito ang lahat ng dumi at libag sa katawan. Ayos! Pumunta ako sa grocery. Naghagilap ng sabon. Nakita ko rin ang hinahanap ko. Dove. Perfect. Umuwi ako at ibinalita sa bahay na simula ngayon Dove na ang gagamitin... sa labada. Kaya ngayon: Only Tide touches my skin. And only Dove touches my clothes. Who touches yours? |
| Leave a Comment: |