|
Habang namomroblema ang buong mundo sa global financial crisis at global warming, ang buong Pilipinas ay pinagpipiyestahan ang sex scandal—ang sex video nina Hayden at Katrina. Nagtulung-tulungan ang mga lider at eksperto upang mapigilan ang paglaganap ng H1N1 virus. Tayo naman sa Pinas, nagkakaisa ang mga senador at opisyal ng gobyerno para mapigilan ang paglaganap ng VCD at DVD na naglalaman ng kontrobersiyal na sex video sa mga bangketa ng Quiapo. Kahit saan ka pumunta, maririnig mo ang Careless Whisper. Most requested song sa radyo. Ring tone sa celphone. Kinakanta sa videoke. At ang mas matindi—kinakanta ng katabi mo. tenenenenen tenenene nenen... |
| Leave a Comment: |