|
Marami sa atin ang fans ng X-Men. Maraming karakters sa X-Men kaya masaya. Bawat isa sa atin may kanya-kanyang paboritong karakter. Ayos si Cyclops. May pamatay na laser na lumalabas sa mata. Kaya't huwag tatangkaing tanggalin ang shades niya. Kewl si Gambit at kanyang mga baraha. Ok sa porma, magaling pa sa poker at pekwa. Chill wid Iceman. Pwedeng pagkakitaan ang kanyang yelo. Ice 4 Sale kayo diyan. Sa mga mahilig maglaro sa apoy, si Pyro ang katapat ninyo. Masunog kayong lahat. Boring si Professor X. Kalbo na, lumpo pa. Naiisip ko si Apolinario Mabini. Dakilang Lumpo. Si Beast parang Incredible Hunk lang na pinunturahan ng blue. Di siya dapat kasama sa X-Men. Doon na lang siya sa Beauty and the Beast. Nandiyan din si Magneto. Dapat idikit na lang sa reprigirator si Boy Magnet. Para sa akin, ang paborito ko sa X-Men ay si Cyclops o si Iceman. Kewl kasi sila. Benta sa akin ang mutant powers nila. Di ko dati alam kung bakit maraming may gusto kay Wolverine. Wala naman siyang powers. Wala siyang astig na laser o kewl na ice beam. Mano-mano lang siya kung makipaglaban. Corny ang claws o built-in balisong ni Wolverine sa kamay. Pero natuklasan kong may powers din siya at mas malakas pa iyon sa ibang X-Men. Walang panama ang laser ni Cyclops, mahiwagang baraha ni Gambit, magnetic powers ni Magneto at mental telepathy ni Professor X. Ang tanong, ano ang power ni Wolverine? Galit. Ibang klaseng power o lakas ang dulot ng galit kay Wolverine. Nagiging hayop siya kapag nagagalit. Mas lalo siyang lumalakas at kaya niyang patumbahin ang lahat ng kanyang kalaban. Di siya mapipigilan. Aminin na natin na nagiging Wolverine din tayo pa-minsan. Mabilis tayong magalit. Sumasabog na lang tayo. Isang kahayupang transpormasyon ang nagaganap. Nagiging nakakatakot ang ating itsura. At mas nakakatakot pa ang kayang gawin ng galit. Kaya mahalagang makontrol ang galit. Tulad ng superpowers, dapat makontrol natin ito nang mabuti dahil kung hindi baka magdulot ito ng kalagiman, sa iba at maging sa iyong sarili. Ayos lang magalit. Normal lang iyan sa atin. Huwag lang sumobra. Ang dami kong sinabi. Nakuha pang mangaral. Ito pala ang nagagawa kapag nakapanood ng X-Men Origins: Wolverine nang libre. Ikaw, sino sa X-Men ang paborito mo? |
| Leave a Comment: |