Umaga na.
Nakahilata ka pa rin sa kama. May laway pa na tumutulo mula sa iyong bibig. Gising ka na. Nagkukunwari ka pa ring tulog. Mahirap gisingin ang nagtutulug-tulugan.
Pagkaraan ng ilang oras, bumangon ka na rin.
Toothbrush o ligo?
Kinuha mo ang toothbrush mo na bugbog na sa abuso. Umupo ka sa sala. Nag-toothbrush. Humiga ka sa sala. Toothbrush. Toothbrush. Brush teeth. Brush teeth. Mumog. Dura.
Kain o ligo?
Ano ba ang ulam? Kain. Nguya. Slow motion. Dahan-dahan mong nginunguya ang pagkain. Nguyaaa. Nguyaaaaa. Yuuum. Yuuuuum.
Ligo o ligo?
Pumunta ka sa banyo. Tumingin sa salamin. Sa tiles. Sa ipis. Umupo ka sa iyong trono. Nakipaglaro sa ipis. Flush.
Tabo. Buhos. Shower. Lagaslas. Ang lamig. Tabo. Lagaslas. Shower. Buhos.
Tuwalya. Punas. Damit. Bihis. Check kung bukas ang zipper. Oops. Medyas. Sapatos. Ok na.
Parang ayokong pumasok ngayon.
Nakakatamad.
trick scribbled @ 09:28 pm